-- Advertisements --

Nagbukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng dagdag na 8,000 slots para sa Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Ayon sa LTFRB acting chairman Atty. Greg Pua, na ang dagdag na slots ay para mabigyan ang mga commuters ng options sa paggamit ng mga ride-hailing apps.

Marami kasi ang nahihirapan na makapag-book dahil sa kulang umano ang bilang ng TNVS.

Ang nasabing pagbubukas ng bagong slot ay ilalaan sa Metro Manila, Ilocos Region at sa Bicol Region.

Mayroong ginagamit umano ang LTFRB na basehan sa ibang bansa kung sapat na o kulang pa ang bilang ng mga TNVS sa bansa.

Paglilinaw din na normal na tumaas ang singil ng ilang TNVS drivers lalo na kapag panahon ng tag-ulan.