Tinanggal na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ng driver ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III dahil sa paggamit ng pekeng plaka.
Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Markus Lacanilao, na ang nasabing pagbawi ng lisensiya ay nagbunsod sa iba’t-ibang mga paglabag.
Kasama na dito ang paggamit ng hindi otorisadong plaka na nakatalaga sa ibang mga sasakyan.
Magugunitang inimpound ng LTO ang sasakyan ni Torre matapos na dumaan ito sa EDSA Busway.
Nakita ang sasakyan na gumamit ng MMDA markings, body number at maging blinker at sirens.
Nitong Agosto 28 at 29 ay nabigyan na ng show cause order ang rehistradong may-ari ng sasakyan kung saan sa parehas na insidente ay iisa umano ang nagmamaneho ng sasakyan.
Inatasan din ng LTO na tanggalin ang mga MMDA markings kasama na ang blinker at sirens.
Magugunitang sinabi ni MMDA chairman Romando Artes na inamin ni Torre na siya ang may-ari ng sasakyan na lumabag dahil sa pagdaan sa EDSA Busway.
















