-- Advertisements --
Nakamit ni Kaila Napolis ang kauna-unahang medalya ng Pilipinas sa 2025 World Games matapos siyang umabante sa finals ng women’s jiu-jitsu -52kg ne-waza na ginanap sa Jianyang Cultural and Sports Centre Gymnasium sa Chengdu, China, ngayong Linggo.
Tinalo ni Napolis ang kinatawan ng Israel na si Pnina Aronov sa overtime sa pamamagitan ng advantage point, matapos magtabla sa 3-3 ang iskor sa regular na round.
Sa kabila nito bigo naman masungkit ng dalaga ang gold medal kontra sa Koreanang si Eon Ju Im, via advantage point.
Samantala, bigo din si Annie Ramirez, na reigning Asian Games champion sa dalawang laban sa women’s -57kg class at hindi muling nakausad pa.