Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag archive ng Senado sa articles of impeachment laban kay VP Sara Duterte ay hindi nangangahulugang na-dismiss na narin ang reklamo laban sa Pangalawang Pangulo.
Binigyang-diin ng Pangulo na walang kinalaman ang gobyerno sa naging desisyon ng Senado na i-archive ang articles of impeachment laban kay VP Sara.
Sa isang panayam kay Pangulong Marcos, muli nitong inihayag na hindi siya makikialam sa impeachment case laban kay VP Sara.
Ayon sa Punong Ehekutibo kaniya na ito ipinauubaya sa House of Representatives at sa Senado.
Ipinunto din ng Pangulo na walang role ang ehekutibo sa nasabing reklamo lalo at siya ay isa ring impeachable officer.
Sa naging botohan, nasa 19 na senador ang bumuto na i-archive ang articles of impeachment habang apat ang hindi pabor at isa ang nag abstain.
Sa kabila ng inihaing motion for reconsideration ng Kamara sa Supreme Court hindi nagpatinag ang Senado at itinuloy ang kanilang botohan.
Samantala, Nilinaw din ng Pangulo na procedural issues lamang ang pinagpasyahan ng Supreme Court at hindi ang merito ng impeachment complaint laban kay VP Sara.
Paliwanag ng Pangulo na walang kinalaman sa pagiging tama o mali ng mga akusasyon laban sa pangalawang pangulo na nakapaloob sa impechment complaint ang naging desisyon ng Supreme Court.
Giit ng President walang naging paglilitis at ang nilalaman ng impeachment complaint ay hindi napag debatehan.
Punto ng Pangulo, hindi siya dapat makisali sa kaso dahil ang Kamara, Senado at Supreme Court ang may tanging papel sa proseso ng impeachment.