Ipinaliwanag Israel ang dahilan ng pagpapabagsak nila ng media building sa isinagawa nilang airstrike noong nakaraang buwan laban sa mga Hamas militants.

Sinabi ni Israel ambassador to UN at ambassadro to US na si Gilad Erdan na ang gusali na matatagpuan sa Gaza ay ginagamit ng mga Hamas para makagawa ng electronic jamming system laban sa Iron Dome.

Nilinaw nila na hindi nila tinarget ang mga mamamahayag ng Associated Press na tumitira sa nasabing lugar.

Nagpahayag din ang Israel na handa silang tumulong para muling maitayo ang nasabing gusali.