-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Human Settlements and Urban Development na nangako ang mga private developers na magtatayo ng mahigit 250,000 housing units sa buong bansa.

Ang mga ito ay maaaring ma-avail ng mga mahihirap at low-income earners.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, aabot sa 42 private developers ang nagpahayag ng kanilang suporta sa pagtatayo ng nasabing bilang ng pabahay sa bansa.

Ito ay matapos na ibilang ang horizontal developments o subdivision-like housing projects sa flagship program ng gobyerno.

Paliwanag ng kalihim na suportado nila ang horizontal developments o subdivision-like housing projects, pati na ang rental at incremental housing.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin pa ang mga pabahay program para sa mga Pilipino.