-- Advertisements --

Mahigit 25,000 paaralan sa bansa ang nasa panganib ng pag-baha at rain-induced landslide dahil sa malalakas na pag-ulan dulot ng Severe Tropical Storm Tino, ayon sa Department of Education (DepEd).

Sa tala ng DepEd-Disaster Risk Reduction and Management Service, 9,558 paaralan ang delikado sa pagbaha habang 15,668 paaralan ay bulnerable naman sa landslide.

Pinayuhan ng DepEd ang mga paaralan at lokal na pamahalaan na ihanda ang emergency response, at tiyaking ligtas ang mga kagamitan at mga supplies nito.

As of 5 p.m., Nobyembre 2, ang bagyong Tino ay napanatili ang maximum sustained winds na 95 kph, pag-bugsong aabot hanggang 115 kph, at gumagalaw pa-kanluran sa Philippine Sea. Kung saan nakataas ang Signal No. 1 sa siyam na lugar sa Eastern Visayas at Northern Mindanao.

Inaasahan ng PAGASA na tatama ang bagyo sa Eastern Samar o Dinagat Islands sa Lunes, Nobyembre 3, bago tumawid sa Visayas at hilagang Palawan. Posibleng lumakas pa ang bagyo at maabot ang super typhoon strength.