TAVIRAN1
-- Advertisements --

MAGUINDANAO – Arestado ang magkapatid sa isinagawang drug buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-BARMM katuwang ang militar at mga pulis sa Old Fish Landing, Brgy. Taviran, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao ngayong Biyernes.

Kinilala ang magkapatid na sina Kenny Pulalon alyas “Mando”, at Fhai Pulalon.

Nasamsam sa mga ito ang 425 gramo ng umano’y shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2.8-milyon at buy bust money.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.