-- Advertisements --

LAOAG CITY – Aabot sa 57 na pamilya ang inilikas sa mga evacuation center sa probinsya ng Apayao dahil sa baha dulot ng pag-ulan.

Ayon kay Police Major Allen Agwaking, tagapagsalita ng Apayao Police Provincial Office (APPO), ang mga inilikas ay mula sa mga mababang lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag kay Agwaking, sinabi nito na hindi na rin madaanan ang mga kalsada sa bayan ng Calanasan papunta sa bayan ng Solsona, Ilocos Norte, at sa Cabugao.

Sinigurado naman nito na ligtas ang mga nasa evacuation centers kahit mataas ang lebel ng tubig.

Dagdag pa nito na tallo sa pitong bayan sa buong lalawigan ng Apayao ay binaha dulot pa rin ng malakas na ulan.

Nabatid na 459 na ang mga pamilya ang apektadong dahil sa pagbaha.

Samantala, simula kaninang tanghali ay suspensido na ang mga pasok sa lahat ng mga opisina para sa kaligtasan ng mga ito.