Nakatakdang tanggalan ng National Police Commssion (NAPOLCOM) ng kontrol o kapangyarihan si San Simon Mayor Abundio “JP” Punsalan Jr. sa lokal na pulisya ng Ibajay matapos na masangkot sa isnag extortion sa lalawigan.
Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, inihayag niya na naghain na sila ng suspension of police power and control laban kay Punsalan ngunit hindi pa ito nagiging epektibo sa kasalukuyan.
Pagtitiyak ni Calinisan, agad silang magpapabatid ng anunsyo kapag naging epektibo na ang order na kasalukuyan naman nang gumugulong ang proseso.
Naghain naman ng inisyatibo at direktiba si Calinisan sa kanilang Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) na magsagawa ng kusang pagiimbestiga o motu proprio investigation hinggil sa ‘full revocation of the authority’ sa mga lokal na opisyal para sa mas mainam na pagkontrol sa local police force sa mga lalawigan.
Samantala, magugunita naman na naaresto ang alkalde kasama na ang lima nitong security personnel sa isang entrapment operation na ikinasa ng National Bureau of Investigation (NBI) Intelligence Service dahil sa extortion o pangngikila nito sa isang steel company ng P80 milyong piso kapalit ng isang favorable local resolution.
Kasalukuyan namang nasa kustodiya na ng NBI ang alkalde na nahaharap sa patong-patong na kaso.