-- Advertisements --

Ikinakasa na ngayon ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa pangunguna ng Inspection Monitoring and Investigation Sevice (IMIS) ang isang kusang imbestigasyon hinggil sa kwestiyonableng pagkakaaresto at pagkakaditene ng isang indibidwal sa Caloocan City matapos na mapagalaman na maling kaso ang isinampa sa akusado.

Ito ay matapos na magsampa ng complaint affidavit ngayong araw ang akusadong si Jason Dela Rosa laban sa tatlong pulis na siyang umaresto at nagsampa ng kasong Presidential Decree no. 1602 o isang paglabag sa illegal gambling sa halip na shoplifting.

Ayon kay IMIS Staff Sevice Dir. Edman Pares, hindi lamang tatlong pulis ang kanilang kasalukuyang sinisilip sa ngayon hinggil sa kaso at posibleng madagdagan pa ang mga masasampahan ng reklamo dahil sa kanilang kaalaman na gawa-gawa lamang ang kasong isinampa kay Dela Rosa.

Samantala, ang insdenteng ito naman ay klarong nagpapakita ng pangmamalabis ng ilang mga pulis sa kanilang kapangyarihan bilang tagapagpatupad ng batas.

Tiniyak naman ni NAPOLCOM Commissioner Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan na ang mga pulis na mapagaalamang sangkot dito ay agad na papatawan ng mga kaukulang parusa at papanagutin sa batas.