Pinatawan ng 90-day preventive suspension ng National Police Commission (NAPOLCOM) si dating Criminal Investigation and Detection Group Dir. PBGen. Romeo Macapaz Jr. ngayong araw.
Ito ay matapos na makitaan ng NAPOLCOM sa kanilang naging imbestigasyon na ang mayroong matibay na basehan ang mga reklamong isinampa ni Elakim Patidongan sa kanilang tanggapan sa kung paano sila inaresto at iniuwi ng Pilipinas mula sa Cambodia.
Nilinaw naman ni Calinisan na hindi ito isang penalty bagkus ay isang preventive measure ng komisyon upang maiwasan ang pagtamper o pagimpluwensya sa mga kasalukuyang ebidensya at pahayag laban kay Macapaz.
Paliwanag pa ng komisyon, ang pagpapataw ng suspensyon kay Macapaz ay naglalayon na dalhin siya sa Camp Crame at pasagutin sa mga alegasyon na ito.
Kinumpirma naman ni Calinisan na ilalagay sa ilalim ng isang holding unit si Macapaz habang patuloy na gumgulong ang proseso hinggil sa mga ipinaparatang san kaniya.
Kasunod naman nito ay binigyang linaw ni Calinisan na tsaka pa lamang makakatanggap ng penalty si Macapaz matapos na mahatulan sa magiging deliberasyon ng komisyon sa isang NAPOLCOM en banc kung saa magpapatuloy ang pagsilip sa mga ebidensiya.
Nakatakda naman na magharap muli sa deliberasyon ang dalawang panig na kampo ni Elakim Patidongan at ni Macapaz bago magkaroon ng pinal na hatol ang komsiyon.
Mananatili naman ppansamantala si Macapaz sa isang holding yunit sa Crame sa loob ng tatlong buwan na siyang isang measure ng komisyon upang mapanatili ang integridad ng kanilang imbestigasyon.
Matatandaan na naghain ng reklamo ang Patidongan Brothers ng reklamo laban kay Macapaz matapos na kunin umano nito ang mga personal na cellphones ni Elakim at Jose Patidongan na siyang may laman umanong mga ebidensiyang magagamit sa ongoing na imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa kaso ng missing sabungeros.
Samantala, nakahanda naman na sumagot ang kampo ni Macapaz sa mga alegasyon sa mismong tanggapan ng NAPOLCOM upang pabulaanan at linawin ang mga akusasyon laban sa kaniya.