-- Advertisements --

Nagpahayag ng kahandaang sumagot si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director at kasalukuyang SOCCSKSARGEN Regional Director PBGen. Romeo Macapaz Jr. matapos na mapatawan ng tatlong buwan na suspensyon ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Sa isang text message, inihayag ni Macapaz na ginagalang niya ang naging desisyon ng komisyon at tinatanggap din niya na siya ay sasailalim sa isang preventive suspension.

Aniya, bilang bahagi rin ng proseso ng NAPOLCOM, handa niyang sagutin ang lahat ng paratang na kaniyang natatanggap na mula sa Patidongan Brothers.

Matatandaan kasi na nagsampa ng kaso ang magkapataid na Julie at Elakim Patidongan sa tanggapan ng NAPOLCOM dahil sa umano’y pagkuha ng mga personal na cellphines ng mga akusado at pagdelete at pagkuha ng mga importanteng impormasyon na makkatulong sa ikakausad ng kaso ng mga nawawalang sabungero.

Samantala, batay naman sa naging resolusyon ng komisyon ay nakitaan ng isang mabigat na basehan ang mga paratang na ito laban kay Macapaz dahilan para siya ay hatulan ng 90-day suspension.

Tiniyak naman ng NAPOLCOM na dadaan sa tamang proseso ang kanilang imbestigasyon at lahat ng respondents ay pagbibigyan sa isang due process.