-- Advertisements --

Kinumpirma ni National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan na mayroon pa silang isnisislip na apat na personalidad na posibleng sangkot sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Sa isang pulong balitaan sa tanggapan mismo ng NAPOLCOM sa Quezon City ngayong umaga, inanunsyo ni Calinisan na hindi lamang natitigil sa mga naunang personalidad ang kanilang imbestigasyon kung saan mayroon pang apat na tinitignan na bilang posibleng may kinalaman sa naturang kaso.

Ani Calinisan, ang impormasyon na ito ay mula saisang testigo na isa ring pulis kung saan mula naman sa apata ay kinumpirma ni VCEO na mayroong sangkot na heneral sa apat na ito.

Nanawagan naman si Calinisan sa witness na ito na kung maaari ay lumutang at panindigan ang kaniyang mga pahayag at pormal itong isumite sa kanilang tanggapan upang magamit sa kasalukuyang ongoing investigation ng komisyon hinggil pa rin sa pagkakasangkot ng ilan pang mga pulis sa kaso ng missing sabungeros.

Kasusnod nito ay nanindigan si Calinisan na ang kanilang tanggapan ay aware sa mga facts na konektado sa naturang kaso.

Muli niyang iginiit na ‘no scared cous’ at kahit ano pa man ang kanilang ranggo sa Philippine National Police (PNP) kung ang mga pulis na ito ay mapatunayang mayroong partisipasyon sa pagkawala ng mga sabungero ay agad itong pananagutin sa batas at isasailalim sa tamang proseso.

Samantala, ngayong araw na din na ito ay inanunsyo ng komisyon na pinatawan ng kanilang tanggapan ng 90-day preventive suspension sa dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Dir. PBGen. Romeo Macapaz Jr. dahil nakitaan ng strong evidence of guilt ang opisyal hinggil sa naging isinampang reklamo ng kapatid ni Alyas Totoy na si Elakim Patidongan.