-- Advertisements --

Nagpaabot ng sandamakmak na dog food ang National Police Commission (NAPOLCOM) bilang donasyon mula sa isang pribadong sektor, sa Explosive and Ordinance Disposal ng K9 yunit ng Philippine National Police (PNP).

Ito ay matapos na maging tampok ang wento ng isa sa kanilang mga service dogs na si Kobe sa mga social media platforms dahil sa sobrang payat nito.

Agad na napukaw ng napakaraming netizens ang naging larawan ni Kobe sa mga platapormang ito kaya naman agad na nagpabot ng kanilang tulong ang NAPOLCOM sa pamamagitan ng mga dog food at ilan pang pangangailangan ni Kobe at iba pang kapwa nito service dogs upang matiyak na makakakain ng tama ang mga ito.

Magugunita naman na nasibak sa pwesto ang diretor ng yunit na ito ilang araw matapod ang kanilang naging pagbisita sa tanggapan ng NAPOLCOM.

Samantala, agad naman na naglabas ng resolusyon ang komisyon na nanguutos ng reverse ng mga ilang opisyal sa PNP kung saan kabilang ang director ng EOD yunit.