Nagpahayag ng buong suporta ang National Police Commission (NAPOLCOM) sa naging pagkakatalaga kay PLtGen. Jose Melencio Nartatez Jr. bilang acting Chief ng Philippine National Police (PNP).
Sa isang pahayag, ikinatuwa ng komisyon ang naging desisyin ng bagong liderato ng PNP na sundin at agad na ipatupad ang implementasyon ng nakasaad sa NAPOLCOM Resolution 2025-0531 na siyang naguutos na i-reverse ang naging malawak na balasahan sa mga senior officials ng Pambansang Pulisya sa ilalim ng panunungkulan ni dating PNP Chief PGen. Nicolas Torre III.
Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, ang nagng hakbang na ito ni Nartatez ay nagpapakita lamang na nirerespeto nito ang mga proseso at institusyon na siyang ipinpatupad ng kanilang opisina bilang tagapatnubay sa kanilang organisasyon.
Ayon pa sa pahayag, si Nartatez ang siyang sumisimbolo at kumakatawan sa kung paano talaga maging isang ‘the best choice’ bilang hepe ng Pambansang Pulisya.
Samantala, tinanggap rin ng komisyon ang desisyon ni Nartatez na tanggalin bilang tagapagsalita ng PNP si PBGen. Jean Fajardo na siyang binibigyang diin ang kahalagahan ng pagtutuwid ng sistema at pagpapakita ng halaga sa Public Information Office (PIO).
Binigyang diin rin sa pahayag na ang resolusyon ay para mapanatili ang kaayusan at maayos na chain of command sa loob ng organisasyon lalo na sa ilalim ng pagpapalit ng bagong liderato nito.