Aprubado na ng National Police Commission (NAPOLCOM) ang panibagong adjustments sa allowances sa lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Vice Chairperson and Executive Officer Atty. Rafael Vicente Calinisan, layon nito na masigurong magiging sapat ang kanilang mattanggap na suporta haban patuloy na gingampanan ang kanilang serbisyo at mandato sa publiko.
Sa naging NAPOLCOM en banc memorandum circular no. 2025-004, sakop ng panibagong adjustment sa allowances ang pagbibigay ng subsistence, quarters, clothing, hazard pay, combat duty, incentive pay at iba pang mga operational na mga benepisyaryo.
Samantala, pinalala naman ng NAPOLCOM na ang implementasyon ng bagong allowance system ay depende pa rin sa availability ng pondo at batay sa rin sa magiging desisyon ng Department of Budget and Management (DBM).
Ayon pa kay Calinisan, makkatulong ito na mapalakas pa ng moralidad ng mga pulis dahil maliban sa kanilang sakripisyo bilang tagapagpatupad ng batas ay ito rin ay para sa pagpapatibay pa ng kanilang loob at husay sa paglilingkod sa bayan.