-- Advertisements --

Pinawi ng Philippine National Police ang pangamba ng publiko matapos ang matagumpay na pagkaka-aresto sa ilang miyembro ng Dawlah Islamiyah – Maute Group sa Lanao del Sur nito lamang nakalipas na linggo.

Kasunod ito sa naging engkuwentro ng mga awtoridad sa naturang grupo sa naturang lalawigan.

Ayon kay PNP Chief, PGen. Nicolas Torre III, nananatiling kontrolado ng Pambansang Pulisya ang naturang grupo at ito ay manageable.

Wala aniyang kakayahan ang grupo na muling makapaglunsad ng malakihang pag-atake katulad ng naging pag-atake nito sa Marawi noong 2017 kung saan nagdulot ito ng matinding pinsala at libo-libong indibidwal naman ang nadamay at nasawi .

Sa ngayon ay inaalam pa rin ng PNP kung mga child warrior ang mga naaresto at napatay sa engkwentro kung saan tatlo ang nasawi, tatlo ang naaresto, at maraming matataas na kalibre ng armas ang nakumpiska.

Patuloy rin ang monitoring ng Pambansang Pulisya sa lugar para matiyak ang kaligtasan ng publiko mula sa mga teroristang grupo.