-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine National Police na hahabulin nito ang mga vlogger at content creator nagpapakalat ng maling impormasyon online.

Kabilang dito ang mga gumagawa ng scenario katulad ng krimen at aksidente at iba pang content na pagmumukhaing totoo.

Ayon kay PNP Chief Police General Nicolas Torre III, ito ay dahil sa mga kumakalat na video sa social media, tulad ng gawa-gawang holdapan sa bus sa Cebu.

Binanggit din ni Torre ang isang lumang video ng umano’y kidnap prank bilang halimbawa.

Iginagalang ng PNP ang kalayaan ng pamamahayag, ngunit ang mga materyal na nagdudulot ng takot, pangamba, at nakapipinsala sa kabuhayan ng publiko ay hindi dapat kinukunsinti.

Apela ni Torre, maging responsable sa paglikha ng content sa social media upang hindi mailagay sa alanganin ang seguridad at kaayusan ng publiko.