-- Advertisements --

Patay ang limang katao at sugatan ang siyam na iba pa matapos ang aksidente sa Tarlac.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Ranier Mercado ang hepe ng Tarlac sa mga otoridad , nawalan ng kontrol umano ang driver ng closed van nitong tanghali ng Agosto 12 at tumama sa isang fence sa kahabaan ng Central Luzon Link Expressway.

Pawang mga trabahador mula sa Caloocan City ang mga biktima at patungo ang mga ito sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Kabilang ang drayber na nasugatan sa insidente at dinala na ang mga ito sa pagamutan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.