CAGAYAN DE ORO CITY- Halos hindi mahulugan ng karayom ang dami ng mga taong bumuhos sa libing sa hazing victim na si PMA cadet 4th class Darwin Dormitorio sa Oro Gardens Memorial Park sa Brgy. Lumbia, Cagayan de Oro.

Hindi inalintana ng mga tao, lalong-lalo na sa mga kamag-anak at kaibigan ng pamilya Dormitorio ang sobrang init ng panahon, masilayan lamang ang libing ng nasawing kadete.

Kabilang sa dumalo sa paghatid sa huling hantungan ni Darwin ang may bahay ni DILG Sec. Eduardo Ano na si Gina Ano at ang propesor nito sa PMA na si Col. Claro Unson Jr.

Binigyan ng full military honors at 21 gun salute si Dormitorio sa pamamagitan ng 4th ID Philippine Army.

Ayon kay Col. Unson, na siyang deputy head ng PMA Academic Group na hindi siya makakapaniwala sa dami na taong nakisimpatiya sa nangyari sa nasabing kadete.

Ipinangako rin ni Col. Unson sa pamilya Dormitorio ang karampatang tulong upang mapabilis ang pagbigay hustisya sa pagkasawi nito.