-- Advertisements --

Nakatakda nang ipa-deport ng Bureau of Immigration (BI) ang mahigit 300 Chinese nationals na iligal na nagtatrabaho sa bansa na naaresto sa Quezon City.

Naaresto ng operatiba ng BI ang 342 sa massive raid sa online gaming company kagabi.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga suspek ay nagtatrabo sa ikalawa hanggang ika-apat na palapag ng Global Trade Center Building sa Bago Bantay, Quezon City nang walang kaukulang permits at visas.

Ang mga suspek ay napabalitang nagtatrabaho sa lisensiyadong Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na mayroong required permit to operate na inisyu ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Pero sinabi naman ni Fortunato Manahan, Jr ng BI Intelligence Division Chief, bagamat mayroong lisensiya ang kumpanya ay hindi pa ito pinayagang mag-operate.

Lumalabas din umanong gumagamit ang naturang kumpanya ng iba’t ibang pangalan at pinaniniwalaang front din ng mga kaduda-dudang aktibidad gaya ng illegal cyber activities at investment scams.

“We sought the assistance of PAGCOR in confirming their permit, and we found out that the company wwas duly licensed, but was not yet allowed to operate,” ani Manahan.

Natagpuan sa site ang libo-libong mobile phones na pinaghihinalaang ginagamit sa online at phone scamming.

Nakikipag-ugnayan na ang BI sa Chinese government na una nang umamin na sangkot ang naturang kumpanya sa panloloko ng kapwa nila Chinese nationals.

Sa mga lumabas na report, kinansela na rin ng Chinese government ang pasaporte ng mga suspek kaya naman idineklara na silang them undocumented aliens at mga pugante.