-- Advertisements --

Tahasang inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na dismayado ang ating mga kababayan sa mabagal na serbisyo ng pamahalaan dahilan na hindi nila ito nararamdaman.

Ang pahayag ng Pangulo ay batay sa kaniyang natutunan sa nagdaang halalan.

Ibinahagi ng Presidente na bukod sa mabagal na serbisyo ng pamahalaan nagsawa na rin ang ating mga kababayan sa sobrang ingay sa pulitika.

Sinabi ng Pangulo maging siya ay nababagalan sa mga proyekto lalo na sa transportasyon kaya nararapat lamang na madaliin ang mga proyekto na mayruong long term effects sa publiko.

Kabilang sa kanilang tinututukan na mga malalaking proyekto na binigyan ng prayoridad ay ang turismo, kalusugan at ang malalaking proyekto sa transportasyon.

Hangad ng Pangulo na maging maginhawa ang pagbiyahe ng ating mga kababayan.

Ngayong tapos na ang halalan, hiling ng Pangulo tigilan na ang batuhan ng mga akusasyon at panahon na para magtrabaho para sa ikauunlad ng ating bayan.

Siniguro ng Pangulong Marcos sa ating mga kababayan na gagawin ng pamahalaan ang lahat para guminhawa ang buhay ng mga Pilipino.

Binigyang-diin ng Pangulong Marcos sila na nasa mataas na posisyon sa gobyerno ay handang pakinggan ang hinaing ng ating mga kababayan.

Nangako naman ang Pangulo na gagawin na nila ang mga immediate solutions para gumaan ang paghihirap ng ating mga kababayan.