-- Advertisements --

Sinuportahan ng ilang senador ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na lagdaan ang P6.793-trilyong 2026 national budget sa unang linggo ng Enero, kahit mangahulugan ito ng panandaliang reenacted budget.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson, mas mainam ang maikling reenacted budget kaysa madaliing ipasa ang badyet na maaaring hindi tumutugon sa pangangailangan ng panahon o maging bukas sa korapsyon.

Sinang-ayunan din ito ni Sen. Sherwin Gatchalian, na nagsabing kailangan ng Malacañang ng sapat na panahon upang masusing suriin ang mahigit 4,000 pahinang dokumento ng badyet.

Inaasahang magkakaroon ng reenacted budget dahil sa mga hindi napagkasunduang isyu sa bicameral conference committee, kabilang ang pondo para sa farm-to-market roads, ayuda programs, at bahagi ng badyet ng DPWH. (report by Bombo Jai)