Nanawgan si Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa mga pulis na ibalik muli ang disiplina at integridad ng kanilang hanay sa ilalim ng isang direktiba na ‘Go back to basics.’
Ayon sa hepe, layon nito na pagtibaying muli ang propesyonalismo at disiplina sa mga pulis para matugunanng mabuti ang mga suliranin ng kanilang organisasyon.
Ito rin ay bilang tugon sa naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palakasin pa ang kanilang pagpapahalaga sa kanilang propesyon para muling makuha ang tiwala ng mga mamamayang pilipino sa mga intitusyon ng pamahalaan.
Sa naging Command Conference sa kampo, panahaon na para bumalik sa kanilang hanay bilang mga sandigan ng bayan dahil at para sa tunay na paglilingkod.
Dapat na din aniyang itama ang mga gawi na siyang humahadlang sa pag-unlad ng kanilang organisasyon at mas palawakin at paigtingin ang sistema na pinapahalagahan ng kanilang hanay.
Samantala, tiniyak naman ni Marbil na patuloy lamang ang kanilang hanay para sa pagsusulong ng mga reporma sa ilalim ng isang isang mahigpit na pangangasiwa ng pamunuan para masiguro na ang bawat miyembro ng kapulisan ay dapat na kumakatawan sa integridad, serbisyo at mayroong pananagutan.