-- Advertisements --

Patuloy na tumataas ang temperatura sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas, batay sa heat index forecast ng mga Pagasa-DOST.

Ang Aparri, Cagayan ay inaasahang magkakaroon ng 46°C na pinakamataas na temperatura sa ngayon.

Samantala, ilang lugar tulad ng Laoag City, Dagupan City, Tuguegarao City, ISU Echague, Baler, at TAU Camiling ay nakakaranas ng 44°C, na maituturing na matinding init na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.

Ang mga lugar gaya ng Batac, Casiguran, Iba, Muñoz, Subic Bay, Sangley Point, Infanta, Masbate, at Butuan City ay nakapagtala ng 43°C, na napakataas pa rin at dapat pag-ingatan.

Sa Sinait, Bacnotan, Clark Airport, San Ildefonso, Ambulong, Daet, Legazpi, CBSUA-Pili, Iloilo City, at Dumangas, umabot ang temperatura sa 42°C, na nangangailangan din ng pag-iingat laban sa labis na init.

Dahil sa matinding init, pinapayuhan ang lahat na manatiling hydrated, iwasan ang matagalang pananatili sa ilalim ng araw, at gawin ang kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ang heatstroke at dehydration.