-- Advertisements --
Hahawakan ni International Criminal Court (ICC) Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang ang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito sa pagliban ni ICC Prosecutor Karim Khan dahil sa may kinakaharap na reklamo.
Ayon sa Office of the Prosecutor (OTP) ng ICC na si Niang at Nazhat Shameen Khan ang umupo para pangasiwaan ang nasabing kaso.
Tinitiyak ng Office of the Prosecutor na tuloy-tuloy ang epektibong implementasyon ng mandato para maibigay ang hustisya sa mga bikitma ng Rome Statue crimes sa anumang kalagayan at kaso sa buong mundo.
Magugunitang pansamantalang lumiban si Khan matapos ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng United Nations Office of Internal Oversight Service.