-- Advertisements --

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang nanay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na napagalamang ibinenta umano ang sariling anak sa isang Chinese national.

Ayon sa mga naitalang ulat ng BI, nahuli ng kanilang Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ang mag-inang kinilala bilang si alayas Annie, 42 anyos at anak nito na si alyas Mia na patungo sanang China noong Mayo 13.

Sa naging berepikasyong ng mga kawani ng BI ay sinabi ni alyas Mia na sila ay pupuntang China para bisitahin ang asawa nitong chinese ngunit nang sumailalim sa masusisng inspeksyon ay napagalamang peke ang ipinakita nitong marriage certificate sa mga otoridad.

Sa katunayan ay hindi rin alam ng biktima ang tungkol sa kaniyang pagpapakasal at inaming plano ng kaniyang ina ang lahat ng ito at siyang nagsabi na makatutulong sa kanilamng mga pangangailangan sa kani-kanilamng mga pamilya.

Samantala, ayon naman kaya BIO Commissioner Joel Anthony Viado, magpapatuloy lamamang silang banatayan at bigyang proteksyon ang mga kababaihang pilipino laban sa mga pangaabuso o human trafficking.

Kasabay nito ay mas pinaigting naman ang seguridad sa mga paliparan para maiwasan na ang ganitong mga insidente.