Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 27 na kaso ng karahasan sa election day.
Malaking bahagi nito ay naitala sa Mindanao tulad ng mga shooting incident at mga pagsabog.
Sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARRM), tatlong shooting incident ang nangyari na sinundan ng tatlong pagsabog.
Limang katao rin ang nasawi dahil sa mga election-related incident sa naturang rehiyon.
Ilang mga shooting incident din ang naitala sa iba pang bahagi ng bansa sa mismong araw ng halalan.
Sa Negros Island Region, dalawang katao rin ang nasawi dahil sa mga election-related incident habang tig-isang katao ang nasawi mula sa Zamboanga Peninsula at Davao Region.
Sa kabuuan naman ng implementasyon ng liqour ban, umabot sa 232 katao ang naaresto.
Ayon sa pulisya, umabot sa 167,319 pulis ang naideploy sa buong Pilipinas upang tiyaking maging maayos, mapayapa, at ligtas ang halalan. Ito ay katumbas ng 71.19% ng kabuuang police force
Kabilang dito ang kabuuang 3,698 pulis na na-assign bilang special electoral board members sa Bangsamoro Region at sa probinsya ng Abra.