Carlo Paalam
Carlo Paalam/ FB image

CAGAYAN DE ORO CITY – Mainit na ipinaabot ng barangay kapitan mula sa hometown ni 2017 Southeast Asian Games bronze medalist Carlo Paalam sa bayan ng Talakag,Bukidnon ang kanilang suporta sa unang laban nito kontra boxer mula Laos na si boxing silver medalist Khamsatone Khampouvanh.

Ito ay matapos personal na tumungo ang nasa 29 na barangay kapitan upang saksihan ang laban ni Paalam na naghahangad makakuha ng medalyang ginto para makasali sa Olympics.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag Talakag Municipal Administrator Alberto Bigcas na kung magka-gold medal si Paalam ay bibigyan nila ng hero’s welcome dahil sa malaking karangalan na maibigay nito sa bansa.

Inihayag ni Bigcas hahabul na rin ang kanilang alkalde at bise-mayor upang bigyan ng mahigpit na suporta ang Pinoy boxer.

Si Paalam na nasa pangangala ng boxing program ni City Mayor Oscar Moreno ay kasalukuyang nakatira sa Barangay Carmen,Cagayan de Oro City.

Una rito, agad nakuha ni Paalam ang buena mano na panalo laban sa Laos boxer sa kanilang three rounds of boxing sa light flyweight division.