-- Advertisements --

Posibleng pumalo sa halos dalawang milyong trabaho ang inaasahang malilikha sa susunod mga susunod na taon dahil sa isinasabatas na Corporate Recovery and Tax incentives for Enterprises (CREATE) Act.

Nabatid na naratipikahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang nasabing panukalang batas.

Inaasahang maihahatid ito sa Malacanang sa loob ng buwang ito para sa lagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Layunin ng CREATE Act na maibaba ang buwis sa mga negosyo at makapagtakda ng exemptions sa iba’t-ibang buwis na kagaya ng import duties at value added tax (VAT).

Sinabi ni Senate committee on ways and means chairperson Sen. Pia Cayetano, tiyak na mapapalawig ng bill ang mga negosyo sa bansa at magbubunga ng mas maraming trabaho.

Naniniwala ang iba na mas magandang maipatupad muna ang CREATE Act, kaysa amyendahan ang economic provisions ng saligang batas.