-- Advertisements --

Pumapalo na sa 10, 914 ang kabuuang bilang ng aftershocks mula sa 6.9 Offshore Cebu earthquake.

Ayon sa Phivolcs, mula sa naturang bilang, umaabot sa 1,886 ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang monitoring device.

Nasa 45 naman ang naramdaman ng mga residente.

Ang lakas nito ay mula sa magnitude 1 hanggang 5.1 base sa monitoring ng Phivolcs station sa Medellin, Cebu.

Samantala, 831 aftershocks naman ang nai-record mula sa magnitude 7.4 at 6.8 Offshore Davao Oriental earthquake events.

Umaabot sa 349 ang plotted sa mga ito at 13 naman ang naramdaman ng mga mamamayan.

Ang lakas ng mga pagyanig ay mula 1.2 hanggang 5.8 magnitude, base sa naitala ng Mati Phivolcs Station.