-- Advertisements --

Dumating na sa bansa ang nasa isang milyong COVID-19 vaccines na mula sa kompaniyang Pfizer-BioNTech.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport nitong nakalipas na Miyerkules ng gabi ang 940,680 doses na bakuna na binili ng gobyerno.

Bago rito ay unang dinala sa probinsiya ng Cebu ang 128,700 doses ng nasabing bakuna habang ang 811,980 ay ilalagay sa Pharmaserv cold storage facility sa lungsod ng Marikina.

Magugunitang nitong nakalipas na Lunes ay dumating din sa bansa ang 561,500 doses ng Pfizer-BioNTech mula sa global vaccine sharing facility na COVAX ng WHO.