Roxas City – Usap-usapan ngayon sa social media ang mga Half Naked Photos ng ilang mga Councilors sa Roxas City, Capiz.

Ito’y matapos naipasa sa Sangguniang Panlungsod ang Anti Half Naked Ordinance ni City Councilor Jericho Angel Celino na hindi pinapahintulutan ang sinumang tao na pumunta o lumabas sa mga pampublikong lugar.

Dahil dito paparusahan ang lalabag sa nasabing ordinansa kung saan warning sa 1st offense, P500 sa 2nd offense at P500 at tatlong oras na community service naman para sa 3rd offense.

Ngunit magkahati naman ang reaksyon ng mga netizens matapos na makita ang topless pose ng apat na mga councilors na sina City Councilors Jericho Angel Celino, Cesar Yap Jr., Midelo Ocampo at John Paul Arcenas sa loob ng session hall.

Marami ang natuwa at nagalit na mga netizens sa naturang post dahil aniya sila mismo ang pinakaunang lumabag sa ordinansa at hindi pa nasunod ng mga ito ang mga minimum health protocols kapareho ng pagsuot ng facemask at faceshield.