Sumampa na sa P59 sa pagsasara laban sa dolyar ang halaga ng piso kontra sa dolyar.
Iniulat ng Bankers Association of the Philippines (BAP) ang pagsasaad ng piso ay makalipas ang tatlong araw na sunod-sunod itong nakabawi.
Sinasabing mas mahina ito kumpara sa nakalipas na record na P58.99.
Sa kalakalan nitong araw ng Lunes umabot sa P59.02 transactions sa kalagitnaan ng araw.
Ang paghina lalo ng pesso laban sa dolya aty kasunod muli ng pahiawatig mula sa US Federal Reserve na marami pang rate hikes ang posible nilang ipatupad.
Samantala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ay nakatakdang magkaroon ng monetary policy meeting sa Nov. 17, na ilang linggo matapos naman ang gagawin ding diskarte muli ng Federal Reserve.
Una rito ang BSP ay nagtaas ng benchmark rate ng 4.25 percent sa layong maibsan ang inflation sa bansa.