Isinara ang isang airport sa London matapos bumagsak ngayong araw ang isang eroplano sa lugar.
Ayon sa mga awotirad, nakatanggap sila ng ulat ukol sa isang nasusunog na eroplano malapit sa paliparan dakong alas-4 ng hapon (BST) nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).
Wala pang opisyal na kumpirmasyon ukol sa bilang na nasawi o nasugatan sa insidente.
kinumpirma ng isang Dutch company na ang eroplano ay kanilang pagmamay-ari. Ayon sa kumpanya, sila ay nakikipagtulungan na sa mga awtoridad para sa imbestigasyon.
Napagalaman naman na ang eroplanong bumagsak ay nagmula sa Athens, Greece, at patungong Pula, Croatia, kung saan sana ay lilipad pabalik sa Lelystad Airport sa Netherlands.
Ayon naman sa mga saksi bumaligtad umano ang eroplano at bumagsak nang pakanan, na sinundan ng malaking pagsabog. Nagkaroon naman ng evacuation sa ilang bahagi ng golf course na malapit sa insidente.
Samantala, nagpaabot ng tulong si UK Transport Secretary Heidi Alexander, at tiniyak na siya ay tumututok sa sitwasyon at nagpahayag ng suporta sa mga lokal na opisyal mula sa Southend City Council at Parliament.