ILOILO CITY – Masayang susuotin ng mga Pinoy kasama ng Canadian Raptorians ang pinagawang T-shirt mula pa mismo dito sa Pilipinas para sa game 5 ng NBA Finals.

Sa panayam ng Star FM Iloilo kay Amzkie Calar, OFW sa Canada, mas malaki pa umano ang ginastos niya sa shipping kaysa sa pinagawa nilang t-shirt pero baliwala aniya ito para maipakita ang kanilang suporta kung saan karamihan ay inaabangan ang posibleng historic victory ng Raptors sa homecourt mismo nila.

”Nag advance pa kami ng paprint diyan sa Pinas, pinadala ko na dito. Kasi dito sa mga stores hindi ka makapili lalo na at gusto namin personalized. Mas mahal pa yong shipping ko kaysa sa pinagawa ko”

Dagdag pa ni Calar, kabilang ang kanyang mga kasama na maaga pang pumila kahapon sa Jurasic park para masigurado ang kanilang pwesto sa labas ng Scotiabank Arena, dalawang araw bago ang laro ng Toronto Raptors laban sa Golden State Warriors.