-- Advertisements --
Nanawagan ang grupo ng mga negosyante sa Manila International Airport Authority (MIAA) na ayusin ang nasabing mga problema sa paliparan.
Tinutukoy ng grupo ay ang paglipana ng surot sa mga upuan ganun ang ilang peste sa paliparan.
Sinabi ni Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) President Nina Mangio na mahalaga na agaran itong maayos dahil ito ang nagsisilbing mukha ng bansa.
May malaking epekto ito sa mga biyahero lalo na at dumarami na ang bilang ng mga foreign tourist na bumisita sa bansa.
Umaasa naman ito na magkakaroon ng improvement kapag natapos na ang ginagawang renovations mula sa private company na nakakuha ng kontrata ng nasabing paliparan.