-- Advertisements --
Lumusob ang grupo ng mga guro sa Commission on Election (COMELEC) para humingi ng pagtaas ng bayad sa mga magbabantay sa mga voting precints sa 2022 elections.
Ayon sa grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) nais nilang padagdagan ng P3,000 mula sa itinakdang bayad ng COMELEC.
Nakasaad kasi sa aprubadong honoraria ng mga guro na magtatrabaho sa 2022 elections ay mayroong P7,000 para sa Chairperson ng Electoral Board, P6,000 naman sa mga miyembreo ng Electoral Board, P5,000 sa mga DESO, P3,000 sa mga support staff at mga medical personnel.
Paliwanag pa ng COMELEC na nais man nilang dagdag ang budget ng mga guro na magbabantay sa halalan ay hindi nila ito ay magagawa dahil sa limitadong budget.