Inihayag ng Bureau of Customs na kanilang iimbestigahan rin maging ang kaanak ng pamilya Discaya hinggil sa mga ‘luxury cars’ nito kaugnay sa isyu ng flood control projects.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, bahagi aniya ito ng malawak na imbestigasyon isinasagawa ng kawanihan.
Kung saan, katuwang raw nila rito maging ang Land Transportation Office upang makakuha ng impormasyon sa mga sasakyan nakapangalan sa mga sangkot na kontratista at kanilang mga kaanak sa kontrobersiya.
Ngunit kanyang paglilinaw naman na hindi anila pokus lamang ang pamilya Discaya o pinagbibintangan may ginawang ilegal ukol sa pagmamay-ari ng umano’y nasa 80 mga ‘luxury cars’.
Aniya’y bahagi lamang ito ng kanilang pinalawak na pag-iimbestiga hinggil sa isyu ng ‘flood control projects’.
Nais lamang raw madiskubre ng kawanihan ang katotohanan kung totoo ang mga alegasyon galing sa kita ng maanomalyang proyekto ang pinambili sa mga sasakyan.
Buhat nito’y ibinahagi pa ng commissioner na kanila ring hindi papalagpasin na maimbestigahan pati ang iba pang klase ng sasakyang mamahalin.
Tutukan aniya ng kawanihan ito kung may mga ari-arian pa ang ilegal na ipinuslit sa loob ng bansa.