-- Advertisements --
Gumawa ng kasaysayan ang Pinay tennis star na si Alex Eala matapos masungkit ang kanyang kauna-unahang WTA title nang talunin si Panna Udvardy ng Hungary, 1-6, 7-5, 6-3, sa finals ng Guadalajara 125 Open.
Sa edad na 20, ipinamalas ni Eala ang kanyang katatagan matapos mabigo sa unang set bago bumawi at tuluyang makuha ang kampeonato.
Bago ang makasaysayang tagumpay, muntik na niyang masungkit ang korona sa Eastbourne Open (WTA250) sa Great Britain noong Hunyo, ngunit natalo siya sa finals kay Maya Joint.
Ang panalo sa Guadalajara ay dagdag sa lumalaking koleksyon ng kanyang mga titulo, kabilang ang limang singles titles sa International Tennis Fede