Dumistansya ang Malacanang sa apila ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kung maaari ay makabalik na ito sa Pilipinas kapag naaprubahan na ang interim release.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, na labas sila at hindi nila sakop ang pag-apruba ng nasabing usapin.
Hindi rin aniya nila pinapakialaman ang anumang opinyon ng isang abogado sa kaniyang kliyente.
Dagdag pa ni Bersamin na hindi na sila dapat magbigay ng reaksyon dahil sariling opinyon naman ito ng abogado ng dating pangulo.
Magugunitang inihayag ni Nicholas Kaufman, ang abogado ni Duterte na dapat ay payagan ng gobyerno ng Pilipinas na makabalik ang dating pangulo kapag naaprubahan na ang interim release dahil sa paghina ng kalusugan nito.
Magugunitang ipinagpaliban ng International Criminal Court (ICC) ang confirmation hearing matapos ang hindi malusog ang dating pangulo para makibahagi sa pagdinig.