Hinikayat ng Office of Civil Defense (OCD) ang publiko na makilahok sa third quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na isasagawa ngayong araw .
Magsisimula ang aktibidad ng alas-4 ng hapon sa Camp Aguinaldo, Quezon City na susundan ng full-scale simulation sa 525th Engineering Combat Battalion Training Area sa loob ng Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Ang drill ngayong quarter ay nakatuon sa tinatawag na “The Big One” kung saan isasanay ang publiko sakaling makaranas ng malakas na paglindol.
Ang mga responde ay pangungunahan ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Councils sa Northern at Southern Luzon, Visayas, at CARAGA region.
Ayon sa OCD na maaring abutin ng gabi ang nasabing Earthquake drill para malaman ang kahandaan nila sa pagdating ng mga sakuna.