Ikinatuwa ng grupo ng Business Process Outsourcing (BPO) sa pagtugon ng ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang reklamo.
Ayon sa BPO Industry Employees Network (BIEN Pilipinas) na ipinag-utos na umano ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang inspection sa 98 na BPO companies sa bansa.
Ang labor inspection request ay dahil sa dami ng reklamo na natanggap ng DOLE na pilit na pinapasok ang kanilang empleyado kahit na may malakas na bagyo at paglindol.
Giit ni BIEN National President Mylene Cabalona na mas prioridad ng mga kumpanya ang kumita kaysa tignan ang kaligtasan ng kanilang empleyado.
Ang nasabing sapilitang pagpapasok sa mga empleyado ay isa umanong paglabag sa Occupational Safety and Health Law ng DOLE.
Magugunitang inireklamo ng ilang BPO employees ang isang kumpanya sa Cebu dahil sa pilit silang pinapapasok kahit na katatapos lamang ang pagtama ng malakas na lindol noong Setyembre.














