TESCO
TESCO

Nilimitahan ng pinakamalaking grocery store sa United Kingdom ang pagbibili ng kanilang mga customers ng mga gamit laban sa coronavirus (COVID19).

Ipapatupad na ng Tesco, ang pinakamalaking grocery store sa UK, ang limitasyon sa limang piraso lamang sa bawat customer na bibili ng mga produkto gaya ng antibacterial gels, wipes, sprays, dry pasta, UHT milk at ilang gulay.

Ang nasabing kautusan ay epektibo sa lahat ng kanilang branches at maging sa online.

Ang nasabing hakbang ay base na rin sa pakikipag-ugnayan ng mga otoridad sa kanila para matiyak na ang mga customer ay makabili ng mga produkto laban sa COVID-19.

Magugunitang ilang mga grocery stores sa iba’t ibang bansa ang nagkakaubusan na mga suplay ng ibang produkto dahil sa pagpakyaw ng mga customers.