Barangay Ginebra
Barangay Ginebra/ PBA image

Binura ng Barangay Ginebra ang pangarap na grand slam championship ng San Miguel Beermen ng talunin nila ito 100-97 at makapasok sa semifinals ng PBA Governors’ Cup.

Nagtulungan ang mga manlalaro ng Ginebra sa pangunguna ni Justin Brownlee na nagtala ng 41 points habang mayroong 24 points si Stanley Pringle at 12 points si LA Tenorio.

Nakahinga naman ng maluwag si Ginebra coach Tim Cone matapos ang panalo dahil sa naging matindi ang labang ipinamalas ng Beermen.

Nasayang naman ang ginawang 24 points at 18 rebounds ni June Mar Fajardo kung saan naging malaking hamon sa Beermen matapos na masuspendi sina Arwind Santos, Kelly Nabong at Ronald Tubid ng masangkot sa kaguluhan sa kanilang practice noong nakaraang linggo.

Susunod na makakaharap ng Ginebra ay ang sinumang manalo sa pagitan ng NLEX at NorthPort sa best of five semifinals.