Tinapos na ng Barangay Ginebra ang kampanya ng Converge FiberXers sa PBA 49th Season Philippine Cup.
Ito ay matapos na talunin ng Ginebra ang Converge 88-80 sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Dahil dito ay pasok na ang Barangay Ginebra sa semifinals kung saan makakaharap nila ang San Miguel Beermen.
Nangibabaw sa panalo ng Ginebra si RJ Abarrientos na nagtala ng 21 points habang mayroong 19 points, 13 rebounds at tatlong blocks si Japeth Aguilar.
Nag-ambag naman ng 14 points at anim na rebounds si Jamie Malonzo habang mayroong 13 points, limang rebounds, dalawang assists at dalawang steals si Stephen Holt.
Naging matindi ang ipinakitang depensa ng Ginebra kung saan nalimitahan ang mga rebounds nina Justine Baltazar at Justin Arana ng Converge.
Hindi umubra ang ginawang 15 points ni Arana at 13 points ni Baltazar para sa Converge.