-- Advertisements --
Inilampaso ng Barangay Ginebra ang Rain or Shine 98-80 sa elimination round ng PBA Philippine Cup sa Ynres Center sa Antipolo City.
Dahil dito ay nasa pang-apat na puwesto na ang Kings kung saan ito ang pangatlong sunod na panalo ng koponan.
Nanguna sa panalo ng Gin Kings si Stephen Holt na nagtala ng 27 points habang mayroong 18 points ang naitala ni Japeth Aguilara at 15 points naman kay Jamie Malonzo.
Makakaharap ng Ginebra sa twice-to-beat advantage ang Converge FiberXers.