-- Advertisements --
Tinambakan ng San Miguel Beermen ang NorthPort 126-91 para makuha ang unang puwesto sa Philippine Cup quarterfinals.
Bumida sa panalo ng Beermen si CJ Perez na mayroong 24 points habang mayroong tig-17 points sina Jericho Cruz at Don Trollao.
Mayroon namang 14 points si Mo Tautauaa , habang 10 points naman si Marcio Lassiter at 10 points , 11 rebounds naman ang naitala ni June Mar Fajardo.
Bagamat parehas na mayroong walong panalo at tatlong talo ang Beermen, NLEX at Magnolia ay nasa unang puwesto sila dahil sa mataas na quotient.
Makakaharap ng Beermen ang defending champion at number 8 na si Meralco Bolts sa quarterfinals.