-- Advertisements --
Pasok na sa semifinals ng PBA Philippine Cup ang San Miguel Beermen matapos na ilampaso ang Meralco Bolts 108-97 sa quarterfinasl.
Nanguna sa panalo ng Beermen si June Mar Fajardo na mayroong 23 points at 15 rebounds habang si Don Trollano na nagtala ng 19 points at mayroong 13 points at 12 rebounds si Rodney Brondial.
Ito na ang pang-10 semifinals appearance sa huling 11 Philippine Cups ang Beermen.
Nasayang naman ang nagawang 32 points ni Chris Banchero at 23 points ni Chris Newsome para sa Bolts.